May 10, 2024

AGA MUHLACH, MAY GAGAWING GAME SHOW SA NET 25

Balik sa TV ang aktor na si Aga Muhlach mula sa matagal na pagkakatengga. May gagawin kasing game show ang ‘Bagets’ star sa NET 25. Ito ay tatawaging ‘Tara Game Agad-Agad’. Ang nasabing show ay pinorudyos ng Eagle Broadcasting Corporation (EBC).


Gayunman, hindi pa idinetalye kung kailan ang airing ng shoe. Maging kung anong araw ito ipalalabas at kung sino pa ang kasama ni Aga rito. Hihintayin pa natin ang announcement ng EBC para sa ibang detalye.

Iba na talaga ang Net 25 dahil nakikipagsabayan na rin ito sa ibang channels. Katunayan, may mga sikat silang personalidad na kabilang sa core.

Halimbawa na rito sina Robin Padilla, Apple David, Pia Guanio, Gladys Reyes at ang beauty queen na si Emma Tiglao. Gayundin sina Ali Sotto, Pat Tiglao