NAIKASA na ang 30th edition (ikatlo ngayong taon) ang Defense and Sports Arms Show kahapon sa SMX Convention Center sa Pasay City.
Buong kagałakan na ipinahayag ni AFAD spokesperson Alaric ‘Aric’ Topacio ang malaking turnout ng mga lumahok na gun enthusiasts para sa limang araw na gun show na pumutok kahapon at magtatapos sa Nobyembre 25.
Naka-showcase sa kaganapan ang locally at internationally manufactured sporting firearms at shooting products kung saan ang kaganapan ay may malaking hamon kaugnay din sa firearms industry na may kinalaman sa ipatutupad na gun ban para sa midterm national election 2025. Optimistiko ang mga nanufacturers na di gaanong makakaepekto sa industriya ang ipinatutupad na Comelec ruling.
“Thanks to all gun afficionados and responsible gun owners who visited the show and explored over 40 exhibitions of more than 100 local and internàtional brands and took advantage of this opportunity to find the best firearms products available,” wika ni Topacio.
Anģ kilalang sports firearms enthusiast na si incumbent Senator JV Ejercito ang siyang panauhing pandangal ng prestihiyosong exhibit gayundin ay espesyal na bisita si Major General Leo Francisco,Director ng Civil Security Group ng markadong defense and sporting arms exhibit na inorganisa ng Association of Firearms and Ammunition Dealers (AFAD). (DANNY SIMON)
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA