
Dinagit ng Adamson Lady Falcons ang FEU Lady Tamaraws sa 3 sets ng laro sa UAAP Season 84 women’s volleyball tourney. Winalis din ng una ang huli sa Final 4 sa iskor na 25, 17, 25-17, 25-16.
Bumida sa panalo ng Adamson si Trisha Genesis na nagtala ng 14 points. Kung saan ang produksyon ay mula sa 13 kills at 1 ace. Nagdagdag naman si May Ann Nuique ng 12 markers sa 9 attacks at 3 blocks.
Nagdagdag naman si Kate Santiago at Rizza Cruz ng tig-11 points. Nanguna naman si Chenie Tagaod para sa FEU na may 14 points. Dahil sa panalo, matatag ang Lady Falcons sa 4 seed na may 6-4 card.
Sa record na 1-9, talsik ang FEU sa playoff contention. Hindi rin ito makakatuntong sa Final 4 sa unang pagkakaton sapol noong UAAP Season 76 noong 2014.
Pinaghandaan namin ito nitong nakaraang two games. Talagang gusto naming kunin itong game na ito,” ani coach Lerma Giron.
“Unti-unti, one day at a time para mapunta doon sa Final Four na gusto lahat, makarating,” dagdag ng coach.
More Stories
UAAP: ATENEO TINALO ANG DATING UNDEFEATED NA UP MAROONS
Pinoy vs Mexicano-Pinoy vs Nigerian… DOUBLEHEADER SA PHL ENCUENTRO C’SHIP SA MAKATI CITY
Del Rosario muling nagwagi ng korona sa WNCAA taekwondo