NANATILING tikom ang kampo ni Ricardo Cepeda, nang arestuhin ito sa kasong syndicate estafa under article 314 of the Revised Penal Code in relation of Presidential Decree 1689 ng Quezon City Police District. Inaresto ang actor sa ganap na 11am ng Sabado sa isang restobar sa 101 A. Mabini Street, Maypajo Caloocan City.
“Base ho sa report na aking natanggap, hindi na pumalag ang actor Richard Cesar Go ang tunay na pangalan. Nang hainan siya ng warrant of arrest ng QCPD sa pangunguna ni P/Capt. Joseph Valle na inisyu ni Sanchez Mira, Cagayan Regional Trial Court Branch 12 ni Executive Judge Gemma Bucayu-Madrid.
“Inilabas na ang mugshot ni Ricardo Cepeda sa publiko at base sa batas Presidential Decree 1689, kung ito ay mapapatunayang guilty sa kasong syndicated estafa ay tiyak ng habang buhay na pagkakakulong ang parusang ipapataw sa kanya,” kwento pa ng aking source.
More Stories
DIGONG TATAYONG ABOGADO NI VP SARA VS IMPEACHMENT
Christmas holiday: BI nagtala ng halos 190,000 na mga biyahero sa mga paliparan
Sharks Billiards Association inaugural season… TAGUIG STALLIONS ANG KAMPEON