Nagagalak si Phoenix star Calvin Abueva sa mga alok na kanyang natatanggap ngayong COVID-19 pandemic. Kabilang na rito ang maglaro siya sa Japan, Thailand at isang team sa MPBL.
Ngunit, sinabi ng Kapampangan cager na ang focus niya ay makumpleto ng proseso upang makapaglarong muli sa PBA.
“Actually marami pong nag-offer sa akin simula nung nasuspinde ako,” wika ni Abueva kay Noli Eala sa programa ni former PBA Commissioner sa programa nito na ‘Power and Play’ sa 92.3 News FM.
Kinumpirma rin ni Abueva na inimbitahan siya na maglaro sa Thailand at sa isang team sa Maharlika Pilipinas Basketball League.
Ngunit, nanindigan siya na manatili sa PBA.Umaasa rin siyang mapagbigyan ang hiling na makapaglarong muli sa liga.
“Actually, hindi pa po ako umo-oo sa mga ganyan, ang inaano ko po kasi may dapat po akong tapusin dito sa problema ko bago ako kunin ng iba,” ani Abueva
“Ang akin po, siyempre dito po ako sumikat at siyempre dito rin po ako magtatapos. At kung aalis ka bigla-bigla na may problema ka dito, parang pagbalik mo, sirang-sira ka,” aniya.
More Stories
Pia Cayetano misyong palaganapin ang sport na padel sa buong bansa
Pinoy Inumerable, Kampeon sa 2025 Illinois Senior State Chess Tilt
MVP Smart PAI national tryouts.. ANG GARA NG PH QTS NI GARRA PARA SA MALAYSIA TILT