November 16, 2024

ABS-CBN SUPORTADO SI ANGEL LOCSIN (Community pantry nauwi sa kontrobersiya)

MULING nagpahayag  ng suporta ang ABS-CBN kay Angel Locsin matapos maging kontrobersiyal ang isinagawang community pantry nito para sa kanyang kaarawan.



“ABS-CBN believes in the goodness of the heart of our Kapamilya Angel Locsin, who in her personal capacity has tirelessly helped our countrymen in times of crisis,” pahayag ng network, kung saan nabibilang si Locsin bilang isa sa napakaraming talents nito.

“We admire her commitment to continue serving the Filipino people with selfless dedication and love. We stand by her and thank her for being a shining example of generosity, accountability, and compassion,” dagdag pa ng ABS-CBN.

Matatandaan na dinumog ng mga tao ang pa-birthday na community pantry ni Locsin, na unang nakilala sa pagganap ng Darna sa TV series sa GMA, noong Biyernes, Abril 23, sa Titanium Commercial Building sa Quezon City. Walang nagawa ang mga organizer at pulisya sa sobrang dami ng tao.

Isa ang pumila ang 67-anyos na tindero ng balut na si Rolando dela Cruz, na hinimatay habang naghihintay na makatanggap ng goods. Isinugod siya malapit na ospital pero binawian din ng buhay dahil sa “natural causes.”

Makailang ulit na humingi ng tawad si Locsin dahil sa insidente sa kanyang social media accounts at mga interview.

“Ang nangyari po ay akin pong pagkakamali. Sana po’y wag madamay ang ibang community pantries na maganda po ang nangyari,” saad ng aktres sa kanyang Instagram post.

Sagot naman ng Quezon City government at ng aktres ang pagpapalibing ni Dela Cruz.

Naging tahimik sa social media si Locsin magmula nang mangyari ang insidente pero ini-repost ang advisory ng Quezon City na iniimbitahan ang mga nagtungo sa pantry na magpa-COVID-19 test.


Matagal nang ginagawa ni Locsin na ibigay ang kanyang lahat ng maitutulong para sa mga mahihirap nating kababayan. Habang may pandemic, sinikap nikya na makalikom ng pondo at supply para sa mga medical workers, iba pang frontliner, at sa mga walang kakahayahan na magpa-COVID-19 test.

Noong 2019, kinilala ng Forbes ang ginawang pagsisikap ni Locsin, hanggang sa mga nagdaang taon.

Naging boses din siya ng libo-libo nating kababayan na hindi masaya sa polisya at ginagawang aksyon ng gobyerno, partikula sa ipinagkait na bagong prangkisa ng ABS-CBN. Dahil sa kanyang pagsasalita natanggap niya ang premyo noong 2020 – siya ay ini-red-tag ng isang opisyal ng militar na wala namang basehan.