TULUYAN nang binawi ng National Telecommunications Commission (NTC) ang broadcast frequencies ng ABS-CBN Corporation.
Batay sa pitong pahinang desisyon ng NTC, ang kawalan umano ng congressional franchise ang nagbunsod para bawiin na sa kompaniya ang lahat ng radio frequencies at channels.
Kabilang sa na-recall ang limang AM, 18 FM frequencies at dose-dosenang channels para sa kanilang national at regional stations.
Una rito, Mayo 5, 2020 nang maglabas ang NTC ng cease and desist order.
Noong Hulyo 10, 2020 naman nang mabigo ang network na makakuha ng sapat na boto para sa kanilang franchise renewal.
Dahil dito, nagpasya ang NTC na ibasura na rin ang lahat ng applications at pending petitions na may kinalaman sa nasabing usapin.
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA