November 24, 2024

Abbott, Valenzuela City nagkaisa laban sa COVID-19

Kuha mula sa Panahon.TV

NAKIPAGSUNDO ang pamahalaang lungsod ng Valenzuela sa Abbott para sa paggamit ng Architect test machines ng kumpanya sa patuloy na laban sa COVID-19.

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, gagamitin ang mga nasabing makinarya sa pagsasagawa ng serology antibody machine base tests.

“The machines are used in the US and are the 4th generation Eliza Platform, the most advance there is at the moment,” ani Gatchalian.

Ang mga makinarya sa Valenzuela ay naiiba dahil ang lungsod ang magiging “launch customer” sa testing ng Immunolobolin G (IgG) at Immunoglobulin M (IgM)antibody tests gamit ang mga makuna sa halip na rapid tests.

“Mas mabilis, mas mura and accurate na testing….another major step in fighting and containing #COVID19,” ayon pa sa alkalde.

Aabot sa 1,300 tests ang kayang gawin ng mga makinarya kada araw kung gagamitin sa loob ng 10 oras bawat araw at magiging gabay kung sino ang mangangailangan ng follow up PCR tests.

“This will complement our soon to run molecular lab. These machines will also link up with the molecular lab through patient care information system so it’s fully automated. We will start using these after their training of our staff the 1st week of August,” sabi ni Gatchalian.

Layon ng pamahalaang lungsod na bigyan ang mga establisyemento sa lungsod, lalo na yaong mga “industrial-based” ng kumpletong profile ng kalusugan ng kanilang mga manggagawa para sa pangangasiwa ng schedule at alternatibong work-from-home arrangements.