Pinapaghanda na ng Association of Boxing Alliances in the Philippines (ABAP) ang kanilang boxers para sa taong 2022. Sa ilalim ng bagong pangulo na si Ed Picson , isasabak ang team sa Asian Under-22 Boxing Championships. Ito ay idaraos sa Tashkent, Uzbekistan sa Enero 20-30.
Nahalal na bagong pangulo ng ABAP si Picson noong Nob.25. Pinalitan nito si Ricky Vargas na nalipat bilang chairman ng asosasyon. Dating hawak ni Picson ang posisyong secretary-general ng alyansa.
Ayon kay Picson, sinabihan nila ang mga boxers tungkol dito. Bagama’t mayroong holiday season break ang team mula Dec.18 – Jan.8, 2022, nag-iba ang tempo.
“Actually, ‘yung Christmas break ng team sa gayung petsa. Pero, biglaan ang invitation. Kaya, malungkot naming sinabi iyon sa kanila,”turan ni Picson.
“Wala munang Christmas break para sa mga lalahok, this means tuloy-tuloy ang training ng boxers in Baguio,” sabi pa ni Picson.
More Stories
FIESTA HARAYA 2024 NG DTI SA MARINDUQUE MATAGUMPAY NA NAIDAOS
IWAS HOUSE ARREST: ROQUE NAGPUNTA SA UAE
BENTAHAN NG ILLEGAL VAPES SA ONLINE SHOPPING APPS, TALAMAK