
Buong suportang ipinahayag ni dating Kalihim ng DILG at kandidatong senador na si Benhur Abalos Jr. para sa rehabilitasyon ng Iloilo International Airport, dahil sa potensyal nitong pasiglahin ang turismo at ekonomiya sa Western Visayas.
Sa ikalawang yugto ng kampanya ng Alyansa ng Pagbabago 2025 sa Iloilo, binigyang-diin ni Abalos ang pangangailangang i-modernisa ang imprastraktura ng paliparan upang makasabay sa patuloy na pagdami ng mga turistang bumibisita sa rehiyon.
Ayon kay Abalos, nakapagtala ang Iloilo ng malaking pagtaas sa bilang ng mga bumisita—mula 13.4% noong pandemya patungong 17.81% noong 2023—na nagresulta sa P8.3 bilyong kita mula sa turismo noong nakaraang taon.
“Napakagandang sign ito sapagkat grabe ang tourist arrivals ninyo. Anong simbolismo nito? Ang mga tao gustong puntahanang Iloilo. Meaning, yung increase na ito dapat magcope-up ang ating infrastructure. And for the rehabilitation of the airport, kaisa nyo po ako dito,” saad ni Abalos
“This surge in tourist arrivals is a great sign. It shows that people want to visit Iloilo,” ani nito
“With this growth, our infrastructure must keep up. That’s why I fully support the rehabilitation of the airport,” binigyang diin ni Abalos
Kasalukuyang may direktang biyahe ang Iloilo International Airport patungong Hong Kong at Singapore, at nakatakdang maglunsad ang Cebu Pacific ng direktang rutang Iloilo-Bangkok sa susunod na buwan.
Ayon kay Abalos, pumapangatlo ang paliparan sa buong bansa sa dami ng pasahero, kaya’t kailangang palawakin ito upang matugunan ang patuloy na pagtaas ng demand.
Binibigyang-diin din ni Abalos na dapat bigyang-prayoridad ng National Economic and Development Authority (NEDA) ang pag-apruba sa mga panukala para sa rehabilitasyon ng Iloilo International Airport.
“I believe NEDA has studied this, and I will
advocate for its implementation,” dagdag nito.
Bukod sa paliparan, isinusulong din ni Abalos ang matagal nang inaasam na Panay-Negros-Guimaras Bridge, isang mahalagang proyektong pang-imprastraktura na magpapalakas ng konektibidad at integrasyon ng ekonomiya sa Western Visayas.
“I believe the project is already in the detailed engineering phase. This is promising, and I am ready to support it,” ani ni Abalos.
Ipinangako rin ni Abalos na ipaglalaban ang mga proyektong pang-imprastraktura na magpapalakas sa mga gateway ng bansa at magpapataas ng ating kakayahang makipagsabayan sa pandaigdigang merkado.
“It’s all about creating an environment for investment while generating jobs,” pagtatapos niya.
Larawan: Rappler
More Stories
BARBERS: PAGDINIG SA FAKE NEWS, HINDI PANINIIL SA MALAYANG PAMAMAHAYAG
14 PINOY, 6 KOREANO NASAKOTE SA POGO, SCAM OPERATIONS SA PASAY
KRIMEN SA MM BUMABA – NCRPO