Magandang araw sa inyo mga Ka-Sampaguita. Nawa’y nasa mabuti kayong kalagayan.
Ang abaka o Musa textilis ay isang kapaki-pakinabang na halaman. Maraming gamit at silbi ang baka lalo na ang hibla ng nito.
Ginagawa itong damit, kortina at tela. maaari kang gumawa ng basket, lubid. Ang pinakakatawan ng halaman nito na saha ay pwedeng gawing papel. Ang Manila Paper o papel de Manila ay yari sa saha.
Bukod dito, pwede rin itong pagkain ng mga hayop. Panhalili sa plastik, cosmetics, gasolina, materyales sa gamot at palinis ng kemikal. Ang buto nito ay pwedeng kainin ng tao.
Sa pinakabagong pananaliksik, natuklasan ng ilang eskperto ang isa pang gamit ng abaka. Na pwede itong alternatibong pansala ng dumi ang fiber nito.
Anila, pwedeng salain ng abaka ang waste products mula sa maruming tubig. Kasi, natural itong pansala o filter. Malaking tulong ito sa paglinis ng tubig at mura pa.
Kaya, ginagamit ito bilang materyales sa global environment conservation. Kaya balak ng kinauukulan na gamitin itong alternatibo bilang synthetic filter ng waste water facilities. Kaya, pinag-aaralan na ito ng kinauukulan at ng eksperto.
Sa gaang atin, matagal na itong alam ng iba. At matagal nang alam ang kakayahan na ito ng fiber ng abaka. Gayunman, hindi sinusuportahan ng nagdaang administrasyon.
Ayaw ding pondohan. Kung gagamitin ang abaka, malaking tulong ito sa mga abaka farmers. Kasi, kikita sila. Makatitipid din ng pondo para sa water waste facilities. Sana ay ikasa ito ng gobyerno upang maging kapaki-pakibaang saa tin. Adios Amorsekos.
More Stories
PAGPASA NG P3.5 BILYONG BUDGET NG MARIKINA, NAAYON BA?
MGA MAYOR SA RIZAL SUPORTADO SI CHAVIT SINGSON
MGA BAGYONG PASUGAL SA CAVITE