Hindi na pinaporma ni Pinay netter at No.2 seed Alex Eala si Leyre Romero ng Spain para sa final eight ticket.
Nagtala ng impressive victory si Eala, 6-1, 4-6 at 6-1 kay Romero. Kung kaya, nakasampa siya sa final 8 ng girl’s juniors tilt ng French Open na idinaraos sa Roland Garros sa Paris.
Dahil dito, si Eala rin ang first Filipina tennis player na makapapalo sa quarterfinals sa singles ng torneo.
Kaugnay dito, puntirya ni Eala na makuha ang first singles title sa torneo. Ang kailangan na lamang ay maipanalo niya ang ilang intense game.
Nakabawi rin sa pagkatalo sa girl’s doubles event si Eala nang mabigo sila ni American partner Elvina Kalieva. Tinalo sila ng tambalan nina Lisa Pigato at Eleonora Alvisi ng Italy sa opening match.
More Stories
Santor, Maleeka, Melencio humakot ng ginto sa COPA swimfest sa RMSC
Kauna-unahang invitation golf tournament ng Pampanga Press Club, umarangkada na!
JRC, DMC at JC2… BASKETBALL SUMMER CUP 2024 SA NEW MANILA, QC