ISA sa bentahe ng kanta nitong si John Gabriel, ay ang kapogian niyang taglay. Isa siyang singer. Kaya naman ukmang-ukma sa kanya ang titulo ng kanyang awitin na ‘O Pilipina.’ Sa Barangay LS 97.1FM, nuong una ay hindi pinapansin ang nasabing kanta. Pero dahil sa may kilig ito sa mga nakakapakinig ng kanta ni John, ay madalas na itong hilingin na patugtugin sa nasabing radio station.
Pasok na sa The Big 10 ang ‘O Pilipina’ ni John Gabriel, sign lamang ito na nagustuhan ito ng mga tagapakinig. Humahataw pa rin ang nasabing awitin. Hindi nakapagtataka kung bukas ay umakyat na ito sa number 5, hanggang sa maging number 1 ito sa 97.1. Dumami ang supporters ng singer kaya bukambibig na ang kanta niya at kanila pa itong sinasayaw.
“Masaya po ako, dahil nakapasok po ang aking ‘O Pilipina’ sa The Big 10 ng Barangay LS 97.1FM. Iyon pong mga kasabayan ko, maganda iyong kanilang mga kanta, pero ang saya ko dahil kahit pang sampu ang aking kanta ay talaga namang maraming nagre-request na ito’y patugtugin hindi lamang po sa Barangay LS. Maging sa Tiktok nga po ay sinasayaw nila ang aking ‘O Pilipna,’ na [composition] ni Bryant Aunor na kilalang mahusay na [song writer],” pagtatapos pa ni John.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?