NABAWASAN na ang lakas at impluwensiya ni House Speaker Alan Peter Cayetano sa 304-member ng legislative chamber para patuloy na hadlangan ang term-sharing agreement na binigay ni Pangulong Rodrigo Duterte.
Sinabi ni Buhay Party-list Rep. Lito Atienza na naharap si Cayetano sa isang mahirap na sitwasyon matapos maglunsad ng loyalty check na humantong sa pagtanggal kay 1PACMAN Rep. Mikee Romero bilang deputy speaker.
“Alan (Cayetano) has lost a lot of support (following Romero’s removal as deputy speaker),” wika ni Atienza, na mayroon impluwensiya si Romero sa partylist coalition, na may 54 miyembro.
Sinabi ni Atienza na sigurado rin siya na ang President’s political party, PDP-Laban, ay susuporta rin kay Velasco na may kabuuang 65 House members na kabilang sa PDP-Laban.
“I am sure hindi hihiway ang mga political chieftains kay Presidente,” pahayag pa ni Atienza.
Ang National People’s Coalition, na mayroon 35 miyembro sa Lower House, ay sinusuportahan din ni Velasco bilang tagapagsalita.
“All he (Velasco) has to do is call the smaller groups,” ani ni Atienza.
Ayon kay Atienza, karamihan sa mga pro-administration lawmakers ay nadismaya sa patuloy na pagtanggi ni Cayetano na igalang ang kasunduan sa term sa speakership, na itinuring ng marami na pagsuway sa kagustuhan ng Pangulo.
“The President was clear in his statement that he wants the term-sharing honored by both camps. That was what the President said, so honor your word,” wika ni Atienza kay Cayetano.
Bukod sa Nacionalista Party kung saan siya kabilang, suportado si Cayetano ng 43-member ng National Unity Party (NUP), na pinamumunuan ni Cavite Rep. Elpidio Barzaga.
Gayunpaman, sinabi ni Atienza na maaaring mapunta sa minorya ang NUP.
“May paglalagyan si Cayetano,” pagtatapos nito.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY