Nagsagawa ng kilos protesta sa harap ng punong tanggapan ng Department of Health (DOH) sa Rizal Avenue sa Maynila ang grupo ng Health Alliance for Democracy upang manawagan kay Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang pagpatalsik kay Health Sec. Fransisco Duque III at panagutin si dating Philhealth President Ricardo Morales, dahil sa talamak na kurapsyon na dahilan ng paggkawala ng bilyun-bilyong pisong pondo ng ahensiya. (JHUNE MABANAG)
Nagsagawa ng pagkilos ang Health Alliance for Democracy (HEAD) kasama ang Alliance of Health Workers ( AHW), Filipino Nurses United ( FNU) at iba pang mga organisasyon ngayong araw, October 2, 2020, sa harap ng Department of Health upang ipanawagan na panagutin ang mga sangkot sa korapsyon sa PhilHealth.
Ayon kay HEAD Secretary General Albert Pacsual, dapat mapasama sa kasuhan si Health Sec. Fransisco Duque III at tanggalin sa DOH.
Aniya pa na nararapat lamang din na panagutin si dating PhilHealth President Ricardo Morales na sangkot umano sa katiwalian.
Suportado rin nito ang pahayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na buwagin ang PhilHealth na nababalot sa kontrobersiya.
“Buwagin ang Philhealth at i-rechannel ang pondo sa direktang serbisyong pangkalusugan para sa mamamayan at sa mga pampublikong ospital at pasilidad!” sambit ni Pascual.
Saad din niya na dapat ilaang ang 10% sa GDP ng bansa sa kalusugan, at pangkalusugang tugon sa COVID 19 na pandemya.
Bukod pa riyan ay kailangan aniya na gawing libre, komprehensibo ang serbisyong pangkalusugan, sa pamamagitan ng pagtatag ng isang integrado at pinopondohan ng buwis na mamamayan na sistemang pangkalusugan.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY