December 24, 2024

1,121 high value target nadakip mula Enero-Hulyo 2020 | 33 HALAL NA OPISYAL NALAMBAT NG PDEA

MAHIGIT sa 1,000 high-value target sa bansa ang nadakip ng Philippine Drug Enforcement Agency sa bansa sa unang pitong buwan ng 2020, ayon kay Director General Wilkins Villanueva.

Sa Senate hearing ng P2.7 billion proposed budget ng PDEA para sa 2021, sinabi ni Villanueva na kabilang sa mga nadakip na mga high-value target ay ang mga sumusunod:

Elected officials – 33
Uniformed personnel – 11
Government employee – 54
Foreign nationals – 57
Drug group leaders/members – 16
Armed group members – 1
Celebrity/prominent personality – 1
Wanted-listed – 29
Target-listed – 364
Drug den maintainers – 108
Arrest from high-impact operations – 447

Mahigit sa 18,000 anti-drug operations ang naisagawa na ng PDEA mula Enero hanggang Hulyo 2020 at naaresto ang higit sa 26,000 na drug personalities, ayon sa hepe ng PDEA.

Nabanggit din ni Villanueva na ang 19,876 na barangay sa Pilipinas ay idineklarang “drug-free.”

Sa kabilang banda, 14,491 o 34.47% ng 42,045 barangay sa buong bansa ang apektado pa rin ng droga – mas bumaba kung ikukumpara sa 24,000 drug-affected barangay noong 2017.

Sa naturang mga barangay na ito na may problema ng ilegal na droga, nasambit ni Villanueva na 5,513 ay “slightly affected,’ ibigsabihin mayroon lamang mga drug user sa lugar.

Habang ang “moderately affected” barangay ay umabot sa 8,746 kung saan may isang tulak.

Samantala, ang mga “serious affected” barangay ay umabot sa 232 kabuan. Sa lugar na ito ay matatagpuan ang mga drug dens at warehouse. Mahigit sa 7,000 iba pang barangay sa Pilipinas ang hindi apektado ng ilegal na droga.