Sinabi ni Los Angeles Clippers coach Doc Rivers na umalis na siya sa team. Ito’y bunsod ng play-off flop ng team.Kaya naman, hindi na siya ang coach ng Clippers.
“Thank you Clipper nation for allowing me to be your coach and for all your support in helping make this a winning franchise,” saad ni Rivers sa Twitter.
“When I took this job, my goals were to make this a winning basketball program, a free agent destination, and bring a championship to this organization.”
“While I was able to accomplish most of my goals, I won’t be able to see them all through.”
Para kasi sa mga kritiko, nakakahiya ang pagkasibak ng Clippers sa Denver Nuggets. Kung saan, nakahabol pa sa semis ang huli mula sa 1-3 deficit sa series.
Ang 58-anyos na si River ay naging coach ng Clippers noong 2013. Bagama’t consistent ang team sa pagpasok sa playoffs, hindi ito makalusot sa West semis.
Anim sa playoff campaigns nito ang nagtapos sa first round. Sa pagsampa nina Kawhi Leonard at Paul George sa team, nalaki sana ang tsansa ng makatuntong sa finals ang Clippers.
Ngunit, nabigo sila at sumablay ang predikyon ng karamihan na magtatatapat ang Lakers at Clippers sa Western Conference finals.
“Though it was a disappointing ending to our season, you are right there and I know what this team is capable of accomplishing with your support,” aniya sa fans.
“Thank you to all the players, coaches, and staff for helping us get there. Most importantly, thank you to the fans. We went through a lot, and I am grateful for my time here.”
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo