MAS pinalawak pa ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela ang tulong pangkabuhayan sa mga tricycle drivers at operators matapos lumagda ito sa isang Memorandum of Agreement (MOA), kasama ang Food Panda Philippines Incorporated (FPPI).
Sa pamamagitan ng pasabay system na itinatag sa lungsod upang mabuksan ang mga oportunidad ng pangkabuhayan para sa mga Tricycle Operator at Drivers ‘Associations (TODAs), ang bagong pakikipagsosyo ay magbibigay ng karagdagang paraan para sa mga tricycle driver na ma-maximize ang online food delivery services upang matulungan ang mga units ng pamahalaang lokal sa panahon ng COVID-19 pandemya.
Isa ang Foodpanda sa pinakatanyag na online food delivery apps sa Pilipinas na nagpasimula ng pandaTODA bilang isang Corporate Social Advocacy (CSA) para suportahan ang mga lokal na komunidad sa pagtiyak na ang mga kasosyo sa restaurants ay mas magagamit at naa-access, habang nagbibigay din ng alternatibong paraan ng pamumuhay sa mga tricycle drivers na apektado ng community quarantine sa pampublikong transportasyon.
Ang operasyon ng mga tricycle sa lungsod ay nabawasan kasunod ng itinakdang minimum health standards ng Inter-Agency Task Force para sa Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-EID). Ang mga tricycle driver na hindi pinapayagan pumasada ay maaaring mag-operate bilang isang pandaTODA rider.
Ang mga kwalipikadong driver na sinala at tinukoy ng Public Employment Service Office – Local Economic Investment Promotions Office (PESO-LEIPO) at Public Order and Safety Group (POSG) ng lungsod ay sasailalim sa oryentasyon. 150 na mga drayber beneficiary ang sasanayin na maging opisyal na rider ng pandaTODA.
“This is an instruction of the new normal since it is not advisable anymore that we go to restaurants but rather to avail of the services of the restaurant. We bring it [food] to them [people]. We know that foodpanda’s partnership with different restaurants is of a large scale, this is a proof that we can help our Micro, Small and Medium Enterprises here in Valenzuela.” Ani Mayor Rex Gatchalian.
“Magiging bahagi sila [TODAs] ng delivery system, so again sa mga TODA natin dagdag ito sa hanapbuhay ng mga driver natin. So at least parami nang parami ‘yung partner natin, parami nang parami yung pwedeng pagkaabalahan ng ating mga driver sa kanilang downtime,” dagdag ni Mayor Rex.
More Stories
P10.4M Confidential fund nawawala… VP SARA SWAK SA ASUNTO – REP. LUISTRO
PILIPINAS NAGHAHANDA NA PARA MAG-HOST SA FIVB 2025 MEN’S WORLD
BILANG NG KASO NG DENGUE SA NCR LUMOBO