November 21, 2024

GCash maninigil ng bank transfer fee simula Oktubre 1

SIMULA sa Oktubre 1 ay maniningil na ang mobile wallet na GCash ng P15 kada bank bank transfer ng kanilang mga user.

Sa pamamagitan ng GCash, maari ng magpadala ng pera sa mahigit na 40 bangko.

Bukod sa GCash, nauna nang nagsabi si Bangko Sentral ng Pilipinas governor Benjamin Diokno noong Hulyo na maniningil na muli ang iba pang bangko ng charging fees sa mga digital transaction sa Oktubre.

Kabilang sa mga nasabing bangko ay ang BDO Unibank, Metropolitan Bank and Trust Co., Bank of Philippines  Islands, RCBC, China Bank, Philippine National Bank, Bank of Commerce, Robinson Bank, Philippine Savings Bank, Paymaya, GXI at China Bank Savings.

Samantala, ang Union Bank of the Philippines, Asia United Bank, Land Bank of the Philippines, Development Bank of the Philippines, Security Bank, Sterling Bank, Standard Chartered Bank at HSBC ay libre pa rin ang mga fees sa para sa kanilang InstaPay at PesoNet channels hanggang Disyembre 31.