MATAPOS mamigay ng mga gadgets para sa kanilang online classes, maraming mga bata ang natulungan ni Senador Bong Revilla. Ngayon may bago siyang project at para naman ito sa mga Senior Citizen at kailangan niya ang tulong ng Unilab.
“Sa Senior Citizens naman ako naka-focus ngayon. Naniniwala ako na kung tutulungan tayo ng Unilab, malaking katagumpayan ang proyekto kong ito para sa ‘ting mga Senior Citizen. Ang balita ko kasi ay napaka-generous ng Unilab pagdating sa mga charity projects. Aking ilalapit ang project kong ito para sa ating mga Senior, na makakatanggap sila ng libreng gamot at pa-groceries para sa kanila,” pahayag ng senador.
Laking tulong ang FB, dahil nakaka-reach out si Sen. Bong at hindi na niya kailangang maglibot para makapaghatid lamang nang tulong sa kanyang mga kababayan. At laking tulong din sa kanyang health condition dahil, makakaiwas ang siya sa pagkahawa sa may mga Covid-19. Likas na talaga kay Sen. Revilla at tumulong sa kanyang kapwa lalo na sa mga Senior Citizens. Kaya malaking tulong ang proyekto niyang gamot at groceries sa ating matatanda na bilang ayuda sa kanilang pang-araw araw na pamumuhay.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY