November 3, 2024

OPISYAL NG NBI ARESTADO DAHIL SA PAGTANGGAP NG SUHOL SA BI “PASTILLAS” SCHEME

WELCOME para sa Bureau of Immigration (BI) Commissioner Jaime Morente ang pagkakaaresto sa isang empleyado ng National Bureau of Investigation (NBI) at kapatid nito na isang immigration commissioner.

“We welcome the entrapment of the NBI on their employee who was allegedly fixing cases of those involved in the pastillas scheme,” ani ni Morente.

 “This is a result of our previous request for NBI assistance in investigating allegations of corruption in our ranks,” dagdag pa ng opisyal.

Kahapon ay kinumpirma ni Atty. Ferdinand Lavin, at deputy director at tagapagsalita ng NBI, na naaresto nila ang hepe ng NBI Legal Assistance Section na si Atty. Joshua Paul Capiral at kapatid nito na si Christoper Capiral na isang isang immigration officer.

Kuha mula sa Philippine Star

Ang pagdakip sa dalawang opisyal ay kaugnay sa kinakaharap na kontrobersiya na manipulasyon at extortion sa ginawang imbestigasyon ng NBI sa Pastillas Scam.

Sa imbestigasyon, sinasabing tumatanggap ng suhol si Atty. Capiral para makalusot ang ilang indibidwal sa BI.

Kung matatandaan nitong buwan lamang, pinasusupinde at pinakakasuhan ng NBI sa Office of the Ombudsman ang 19 immigration personnel dahil sa paglabag sa Republic Act No. 3019 o ang Anti Graft Law.

 “We will continue to pursue our campaign against BI personnel engaged in corrupt activities in coordination with NBI and other law enforcement agencies in support of President Duterte’s desire to cleanse the agency,” Morente stated.  “Rogue employees that are involved in corruption only smear the name of the Bureau, and should face harsh penalties,” saad naman ni Morente.

Samantala, idinagdag ni Morente na nakikipagtulungan na sila sa Senate Committee on Women, Children, Family Relations at Gender Equality, pati na rin sa Department of Justice para sa mabilis na imbestigayon sa umano’y Pastillas scheme.

 “We have submitted the documents and information requested for the investigation,” said Morente.  “We are working with those involved in the investigation as we are really serious in our goal of cleansing our ranks,” dagdag pa niya.

Kahapon ay nagsagawa ang Senate Committee ng isa pang pagdinig kaugnay sa umano’y Pastillas scheme.

Dumalo sa pagdinig si dating Justice Sec. Vitaliano Aguirre na isinasangkot din sa naturang modus.

“We also support the recommendations of the committee on the reorganization of the Bureau and the suspension of those involved. In fact, we have already relieved the names that were mentioned in the hearing, as well as implemented a system-wide reorganization.  We implemented a total revamp of our airport personnel, all terminal heads, and all Travel Control and Enforcement heads earlier this year.  I have likewise recommended the immediate relief of the sitting Chief of the Port Operations Division, pending the resolution of the investigation,” dagdag pa ni Morente.