PINASALAMATAN ni DTI Secretary Ramon Lopez ang Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce and Industry (FFCCCII) sa ipinagkaloob nitong P1 milyon upang tulungan ang Philippine MSMEs para i-promote ang mga produkto at serbisyo ng Pilipinas sa China International Fair for Investment and Trade (CIFIT) at China International Import Expo (CIIE),
Ang CIFIT at CIIE ay ang pinakamalaking investment at trade expos sa buong mundo na itinatag ng China bilang plataporma para tulungan ang mga negosyante sa buong mundo na makapagbenta hindi lamang sa lumalaking merkado ng consumer ng China, kundi maging sa pandaigdigang merkado.
Ayon kay Lopez, ang pagsuporta sa ating Filipino enterprises ay mahalagang bahagi ng pagsisikap ng gobyerno upang buhayin ang ekonomiya na pinadapa ng COVID-19 pandemic.
Kinikilala rin ng naturang opisyal ang matagal ng pakikipag-ugnayan o partnership ng Filipino Chinese socio-community group sa DTI.
Ibinahagi naman ni FFCCCII President Henry Lim Bon Liong na ang naturang donasyon ng grupo na ipinagkaloob sa tinatayang higit 500 barangay at higit 100 ospital ay sumisimbolo sa matagal nang pagkakaisa ng samahan at ng Chinese-Filipino community sa bansa.
Umabot na rin sa P300 milyon ang naipamahagi para sa COVID assistance at medical supplies na natanggap ng ating medical frontliners, kabilang na ang bio-molecular lab sa Red Cross.
Patuloy din sa pagtulong sa mga komunidad sa bansa ang iba pang Chinese-Filipino groups gaya ng KAISA, Chan Family of Oishi, Anvil Business Club at marami pang anonymous donors
Nag-donate din ang China government at philantrophic individuals ng 100 invasive ventilators, 30 non-invasive ventilators, 250,000 high-grade test kits, 1.87 million N95 at face masks.
Dagdag pa rito, mahigit sa 3,100 tonelada na mataas na klase ng bigas at P20 milyon halaga ng food packs ang naipamahagi sa mga nangangailangang komunidad upang tulungan ang lokal na pamahalaan.
Nag-donate din ang Chinese companies gaya ng Bank of China ng P1 milyong face mask, 200,000 test kits at isang milyong face mask mula sa Alibaba, at P1 bilyon cash at medical supplies mula naman sa NGCP.
Patunay lamang ito na nanatiling matatag ang samahan ng China at Pilipinas sa kabila ng mainit na isyu ng pinag-aagawang West Philippine Sea.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY