November 24, 2024

BI napanatili ang ISO certification

NAPANATILI ng Bureau of Immigration (BI) ang sertipikasyon ng International Organization for Standardization (ISO) bilang pagkilala sa patuloy nitong pagsisikap upang mapabuti ang kalidad ng mga serbisyo nito sa mga pasahero at publiko.

Inihayag ni Immigration Commissioner Jaime Morente na nalampasan ng BI ang dalawang araw na ISO surveillance audit na isinagawa ng mga dalubhasa mula sa Societe Generale Surveillance (SGC) na nagpatibay sa pagsunod ng bureau sa organizational practices at standard na kinakailangan upang mapanatili nito ang ISO status.

“Congratulations to the men and women of the BI for a job well done. This proves that we remain focused on our goal to provide the most efficient, innovative and effective Immigration services to our clientele,” wika ni Morente.

Ang ISO 9001:2015 certification ay ang pangarap na makamit ng mga ahensya ng gobyerno, organisasyon at malalaking kumpanya sa iba’t ibang larangan sa buong mundo, dahil may standard ito kung saan ay natitiyak ang kalidad ng serbisyo o produkto.

“The certification shows that we continued to provide our clients with quality performance and services that are globally competitive and conforms with internationally recognized processes and standards,” dagdag ni Morente.

Hanggang Nobyembre 2022 ang validity ng naturang sertipikasyon.

“The standard requires an organization to put up a Quality Management System (QMS) that is customer-focused and puts emphasis on continuously improving top management practices throughout the agency,” wika naman ni BI Deputy Commissioner Aldwin Alegre, na siyang nangangasiwa sa administrative affairs ng BI.

Ayon kay Alegre, ang pakakapasa sa nakapapagod na ISO surveillance audit noong Setyembre 7-8 ay produkto ng pagsisikap, puyat, dugo, pawis at luha ng ISO teams ng BI at mga tauhan ng lahat ng tanggapan na na-audit.

Matatandaan na unang nakatanggap ang BI ng ISO certification 9001:2008. Nag-upgrade ito sa ISO 9001:2015 noong 2018.