Cairo, Egypt- Ayon sa manunulat na si William Henry, ang misteryo tungkol sa UFO at mga alien ay umiral na sa panahon pa lamang ng mga magulang o patriarka.
Hindi maiiwasang mag-isip ang mga Kristiyano, kung ano ang rason ng mga alien at UFO sa pagdalaw dito sa daigdig. Bilang manunulat na nakatuon sa aspetong astronomy, history, space and holy sciptures at tungkol sa mga UFO ay pinaniwalaan ng ilang Egyptian at ilang Kristiyano sa Europa ang nakalagay sa kanyang aklat na “ The Starwalkers and The Dimension of the Blessed, at Cloak of Illuminati ay nakasaad doon kung ano ang layunin ng mga pagsulpot ng UFO sa earth.
Ang dahilan, ang pagkuha o pag-angkat ng mga ginto upang dalhin sa langit o kalawakan. Ang deposito ng ginto sa daigdig particular sa gitnang silangan ay alam kung nasaan ng mga alien na ayon kay Williams ay mga anghel na isinugo ng kalangitan.
Ang pagkawala ng mga toneladang ginto sa Jerusalem na pag-aari ng Haring Solomon ay kinuha umano ng mga alien at inilagay sa spaceship. Ayon sa Biblia, si Solomon ay may pag-aari ng 666 talentong ginto katumbas ng 25 toneladang ginto na sapat umanong pautangin ng tig-1 bilyong dolyar ang 40 mahihirap na nasyon sa mundo. Pati kalasag at lalagyan ng inumin ng hari ay pawang ginto. Sa panahon ng paghahari ni Solomon ay walang kuwenta ang pilak.
Pinapalagay na ang mahigit 1000 toneladang ginto na pag-aari ni Alejandrong Dakila ay hinakot din ng mga alien. Ayon pa kay Henry ang aktibidades na ito ay ng mga kakatwang nilikha at sasakyang panghimpapawid ay may kinalalaman sa celestial city na tinatawag na The New Jerusalem. Pinatutuhanan ng awtoridad sa Egipto na ang mga toneladang ginto na itinago ng ilang Paraoh ay pawang nawala noong panahong middles ages. May kinalaman umano ang pagkawala ng gold reserves sa mga naturang nasyon sa itinuturing na city of gold o Holy City na nakasulat sa aklat ng Apocalipsis.
Aniya, si Cristo ay nangako sa mga Kristiyano na Siya’y gagawa ng matatahanan na iyon nga ang Bayang Banal. Natural na ang siyudad na iyon ay gagawin at kailangan ng materyales. Nakasaad na pawang yari sa lantay nag into ang lunsod kung kaya kinakailangan ng materyales. Hindi naman aniya mamahikahin o kukunin sa space ang ginto kundi kukunin dito sa earth.
Ayon sa chapter 7 ng librong ‘The Dimension Blessed’ ni Henry ay ginagawa na ang Holy City bago pa umakyat ang Panginoong Jesus sa langit. May layunin din ang pagkaka-akyat ni Enoc na patriarka at Elias na Propeta sa langit na ito na iyong kakatulungin sa paggawa ng Bayang Banal. Kung bibilangin ang panahon ayon sa aklat ni propeta ni Daniel ay ginawa at natapos ang construction ng holy city sa panahong humigit 400,000 araw simula sa pagsilang ni Cristo noong 4 BC hanggang 1914 o katumbas ng 1,330 taon.
At mula 1914 ay bibilang naman ng 40,000 araw at ito raw umano ang panahong bababa ang Bagong Jerusalem.
Kahit isinulat ni Henry ang ukol dito ay hindi niya alam kong kalian talaga ang rapture ni Jesus. “Ang pagkilos ng kakaibang nilikhang dumadalaw sa ating mundo (UFO) ay hindi matutuklasan o mailalantad ng tuwiran sa madla. Sila ay espiritu na kalagayan at naniniwala ako roon kung kaya’t walang nalantad na alien o E.T sa media. Tapos na ang misyon nila sa mundo dahil tapos na ang Holy City, ” wika ni Henry.
More Stories
Matapos hiwalayan ng asawa… CHLOE SAN JOSE MAY BUWELTA KAY AI-AI: ‘BACK TO YOU, MAMANG’
WILLIE REVILLAME WALA PANG MAISIP NA PLATAPORMA: SAKA NA ‘PAG NANALO NA KO
Vice Ganda may unkabogable na bagong sasakyan?