TRENDING ngayon sa Twitter Philippines ang hashtag #CancelKorea, matapos ulanin ng hateful comment mula sa ilang South Korean si Tiktok star Bella Poarch, isang Hawaii-based Filipino.
Nagsimula ito nang mag-post si Poarch ng kanyang TikTok video habang nagsasayaw, kung saan napansin ang kanyang Japanese Rising Sun tattoo sa kanyang braso.
Pinutakte ng kritisimo ang nasabing tattoo ng mga Korean TikTok users. Isa sa kanila ang nagtanong kung alam nga ba ni Bella ang kahulugan ng simbolo ng Rising Sun.
“I was inspired by Jhene Aiko,” sagot ni Bella, ang tinutukoy niya ay ang isang American singer na mayroon ding kahalintulad na tattoo.
Sa mga komento sa video ni Bella ng mga Koreano, binansagan hindi lamang siya kundi ang lahat ng Filipino na pandak, mahirap at walang pinag-aralan.
“I’m very sorry if my tattoo offends you. I love Korea. Please forgive me,” ani ni Bella.
Sa isang Tiktok video pa niya, sinabi nito na balak na niyang takpan o tanggalin ang nasabing tattoo.
“I did not know the history behind this tattoo and I will educate others about it,” she said. “I only found out, when Koreans told me about it on TikTok.”
Ang centuries-old Rising Sun symbol ay inuugnay sa Japanese imperialism pero sa Japan, simbolo iyon ng suwerte at magandang kapalaran.
Sabi ng mga kritiko, binubura nito ang ginawang pang-aabuso ng mga sundalong Japanese noong World War II sa mga bansang sinakop nito kabilang na ang South Korea.
Naging usap-usapan tuloy ng mga Filipino sa social media ang kasaysayan ng gusot sa pagitan ng South Korea at Japan kaya nag-trending ang #CancelKorea.
Narito ang reaksyon ng ilan nating mga kababayan:
More Stories
Magtatag ng business permit at licensing office sa mga LGU para makaakit ng mamumuhunan – Gatchalian
₱152M TESDA negosyo kits hindi naipamahagi sa mga benepisyaryo
TRUST, APPROVAL RATINGS SA 4Q 2024 NI VP SARA, LUMAGAPAK – PULSE ASIA