Maagang bumisita ang ilang pamilya at kaanak upang mag-alay ng panalangin at tirikan ng kandila ang puntod ng kanilang mga mahal sa buhay sa Manila North Cemetery matapos lagdaan ni Manila Mayor Francisco Isko Moreno Domagoso ang Executive Order Number 38, na nag-uutos na pansamantalang isara ang lahat ng pampubliko at pribadong sementeryo sa Maynila ngayong darating na Undas o Araw ng mga Patay – Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3 – dahil sa COVID-19 pandemic. Humingi rin ang naturang alkalde ng pasensiya at kooperasyon sa publiko kaugnay sa pagkakansela ng taunang tradisyon na pagbisita sa mga yumao. (Kuha ni NORMAN ARAGA)
INANUNSIYO ni Manila Mayor Isko Moreno na isasara ang lahat ng pampublikong sementeryo sa Lungsod ng Maynila ngayong darating na Undas o Araw ng mga Patay.
Sa kanyang FB live, sinabi ng Alkalde na mula Oktubre 31 hanggang Nobyembre 3 upang maiwasan ang pagkukumupulan ng mga tao at makontrol ang paglaganap ng coronavirus disease o COVID-19.
Ang mga sementeryong dinadagsa ng mga tao sa Lungsod ng Maynila ay ang Manila South Cemetery, Manila North Cemetery at ang Chinese Cemetery.
Ayon kay Moreno, nilagdaan na niya ang executive order o EO hinggil sa limang araw na pagsasara ng mga sementeryo sa lungsod.
Kaugnay nito, humihingi ng paumanhin ang alkalde dahil sa pagkakansela ng taunang tradisyon na pagbisita sa mga puntod ng mga yumao.
Ngunit hinikayat ng alkalde ang publiko na maaari na nilang dalawin ang mga puntod ng kanilang mahal sa buhay mula ngayong Setyembre 8 hanggang Oktubre 30, 2020.
More Stories
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
BOC AT ARISE PLUS TINALAKAY ANG PROGRESS AT PRIORITY PROGRAM PARA SA TRADE FACILITATION
300 PDLs NA MAY DRUG-RELATED CASES INILIPAT NA SA SABLAYAN PRISON