September 19, 2024

SHOW NI JESSY MENDIOLA SA TV5, KINAIINISAN

MUKHANG may sinagasaan ang management ng TV5?

Kanila kasing tinanggal ang show ni Dra. Edinel Calvario na ‘Healing Galing’ na malaking tulong sa mga televiewers dahil nakagagamot at nakapagpapagaling ang nasabing show sa mga may karamdaman.

Tinanggal ang show nang basta-basta na lamang at ang ipinalit ay itong kay Jessy Mendiola na ‘Fit For Life.’

Inis at galit ang nadadama nila sa ginawa ng TV5, hindi nila nakikita iyong laking tulong na nagagawa ng ‘Healing Galing’ sa mga tao kaya patuloy nila itong pinanonood.

Kung hindi raw sa show ni Dra. Edinel, wala silang time manood sa TV5 at mas gusto pa raw nilang manood sa GMA-7. Dahil para sa kanila ang TV5 ay pang sports TV lang, at sa kagaya ng show na ‘Healing Galing.’

Ngayong may nasagasaan ang ‘Fit For Life’ ni Jessy Mendiola, asahan na raw ang ‘karma’ sa show niya na iyan. Sabi nga ng mga televiewers ng ‘Healing Galing,’ walang patutunguhan ang show na iyan kundi ang matigbak.

Mas pinaburan pa raw ng TV5 ang show ni Jessy, gayung ang kay Dra. Edinel Calvario ay proven ng may hatak ng televiewers at kumikita pa sila kumpara sa ipinalit nila.