November 23, 2024

16 dayuhan arestado sa pag-iinuman sa bar sa Makati

Nasakote ang labing anim na mga dayuhan na karamihan ay Cameroonian, Nigerian at Liberian na nag-inuman sa loob ng D’Evolution Master Sports Bar sa Bgy. Poblacion sa lungsod ng Makati ng mga operatiba ng Makati Station Intelligence Section dahil sa paglabag sa  anti-distancing law sa ilalim ng GCQ sa Metro Manila. (Danny Ecito)

ARESTADO ang 16 dayuhan ng mga operatiba ng Makati City police nitong Miyerkules ng hapon habang nag-iinuman sa loob ng isang bar.

Ayon sa pulisya, dakong alas-5:30 ng hapon nang arestuhin ng mga suspek sa loob ng D’Evolution Masters Sports Bar sa Barangay Poblacion sa nasabing siyudad.

Kabilang sa mga inaresto ay sina Cedric Fowetheih, 30; Ndipagbor Rayuk, 39; Christian Menkami, 35; Ashu Cederick, 34; Nintendem Feudjio Bertrand, 30; Mekelou Christelle Clemence, 30; Bernadette Bareja, 34; Vitalys Ninjiwa, 43; Jacques Mboiu Mbitock, 33; Hyacinthe Gabre, 38; and Ngami William, 29,  kapwa mga Cameroon nationals.

Kabilang rin sa mga naaresto ay sina Joseph Emmanuel Faure, 26, Seychelles national; Cristina Nkengasong, 25, and Ezeugwu Osita Linus, 36, both Nigerian nationals; Saikou Omar Kujabi, 34, The Gambia national; and Harry Teenesee, 45, Liberian national.

Ayon sa pulisya inaresto ang mga suspek matapos ireklamo ng ilang residente na malapit sa bar kung saan ginagawang shabu session ang nasabing bar.

Sa ilalim ng umiiral na general community quarantine ay bawal pa ang pagdaraos ng social gathering.

Bukod sa mga bote ng alak, narekober din ng pulisya mula sa mga suspek ang isang plastic shachet ng shabu na nagkakahalaga ng P6,800.

Sasampahan ng reklamong paglabag sa Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Concern Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek.