November 24, 2024

Paggamit ng quarantine pass sa mga pamilihan sa Navotas, pinahigpit

IPINAG-UTOS ni Navotas City Mayor Toby Tiangco sa mga groceries at iba pang pamilihan sa lungsod na higpitan at tingnan kung may home quarantine pass ang kanilang mga kostumer.

Sa nakasaad sa Executive Order No. 043 na dapat hanapan ng mga pamilihan ang kanilang mga kostumer ng home quarantine pass pagpasok pa lamang ng mga ito.

Ayon kay Mayor Tiangco, nililimitahan ng home quarantine pass ang mga araw na pinapayagang lumabas ang mga residente kada barangay upang mamili ng mga pangunahing pangangailangan.

“People are not always mindful of keeping their distance while inside markets, groceries, or convenience stores. This EO will help prevent overcrowding and ensure social distancing in such places,” pahayag ni Mayor Tiangco.

Unang ipinatupad ng Navotas ang nasabing estratehiya noong Mayo, nang isailalim ang lungsod sa extreme enhanced community quarantine dahil may ilang kumpirmadong may COVID-19 na nabukong namili, at ayon sa Contact Tracing Team ng lungsod, malaki ang tsansang mahawa ng virus sa mga pamilihan.