PUMANAW na ang Black Panther actor na si Chadwick Boseman dahil sa sakit na kanser.
Namatay ang naturang aktor sa kanyang tahanan sa Los Angeles kapiling ang kanyang pamilya at mahal sa buhay, ayon sa kanyang publicist na si Nicki Fioravante.
Si Boseman ay apat na taong nakipaglaban sa colon cancer bago tuluyang pumunaw sa edad na 43.
Bago maging Black Panther sa Marvel cinematic universe, nakilala si Boseman sa kanyang pagganap sa mga Black American icons tulad nina Jackie Robinson at James Brown.
“A true fighter, Chadwick persevered through it all, and brought you many of the films you have come to love so much,” ayon sa kanyang pamilya.
“From Marshall to Da 5 Bloods, August Wilson’s Ma Rainey’s Black Bottom and several more- all were filmed during and between countless surgeries and chemotherapy. It was the honor of his career to bring King T’Challa to life in Black Panther,” dagdag pa nito.
Inilihim sa publiko ni Boseman ang tungkol sa kanyang sakit.
More Stories
GAS TANKER TRUCK SUMALPOK SA BODEGA, NAGDULOT NG SUNOG; 1 PATAY, 28 NAWALAN NG BAHAY
CICC: SCAMS ISUMBONG SA 1326 HOTLINE (Imbes ilabas ang galit sa social media)
BuCor magsasagawa ng mga aktibidad para sa kanilang ika-119 Founding Anniversary