November 18, 2024

YASSI PRESSMAN, NA WALA ANG TAKOT NANG MAG-ALAGA NG AHAS

Takot pala si Yassi Pressman sa ahas. Pero nang mag-alaga na siya nito, nawala na ang kanyang pangamba. Para sa actress, isang ordinaryong hayop nalang ang mga alaga niyang sina Sky at Fluffy at madalas niya pa silang dala sa kanyang trabaho ‘pag may shooting siya. Friendly naman sila. Kung tutuusin, dalawang taon na niya itong kasama sa buhay.

Si Sky ay regalo raw sa kanya ng isa sa kanyang mga kaibigan. Taong 2018 nang ibinigay sa kanya ang nasabing ahas. Hindi pa siya nakontento kaya nag-ampon pa siya ng isa at pinangalanan niya itong Fluffy. Ginawan pa niya ng Instagram sina Fluffy at Sky at pumatok naman ito sa kanyang mga followers. Marami ang natuwa, pero marami rin ang natakot at nag-alala, dahil sa baka raw ikapahamak ito ni Yassi.

Ayon naman sa actress, wala raw panga at kamandag ang mga ito kaya safe silang alagaan.

Nakuha niya ang kanyang pagiging intresado sa pag-aalaga ng sawa, nang makatanggap si Coco Martin ng isang python na ang pangalan ay Matilda na bigay ni Michael de Mesa na kasamahan nila sa action drama serye nilang ‘Ang Probinsyano.’ Simula raw nuon, ay nagka-interes na rin siyang mag-alaga ng sawa. Dala-dala niya ang kanyang mga alagang ahas sa kanyang shoots at inahayaan niyang makalaro rin ng mga katrabaho niya na laruin ang mga ito.

At ayon pa sa actress, nakaka-alis daw ng stress ang kanyang mga alaga kapag nakikita niya itong malaya na gumagapang.