Makikita sa larawan sina (mula kaliwa pakanan): Meralco Corporate Governance Associate Abigail A. Terga, Corporate Governance Head Atty. Lester F. Bernardo, Jr., Vice President at Head ng Corporate Governance and Compliance Office Atty. Jocelyn C. Villar-Altamira, Lead Independent Director Dr. Lydia B. Echauz, Senior Vice President at Chief Audit Executive Melanie T. Oteyza, at Corporate Governance Associate Danielle Joy D. Badar.
Muling nakatanggap ang Manila Electric Company (Meralco), sa pamumuno ni Manuel V. Pangilinan, ng prestihiyosong Four-Golden Arrow recognition bilang pagkilala sa kanilang mahusay na corporate governance practices.
Personal na tinanggap ni Dr. Lydia B. Echauz, Lead Independent Director at Chairperson ng Nomination and Governance Committee, ang parangal sa ginanap na 2026 Golden Arrow Awards sa Makati Shangri-La Hotel.
Ang taunang parangal na ito ay inorganisa ng Institute of Corporate Directors (ICD) upang kilalanin ang mga publicly listed companies sa Pilipinas batay sa kanilang performance sa ASEAN Corporate Governance Scorecard (ACGS).
Ang ACGS ang nagsisilbing pamantayan sa pagsusuri ng corporate governance practices ng mga kumpanya sa buong Timog-Silangang Asya.
Ayon sa Meralco, ang panibagong pagkilalang ito ay patunay ng kanilang patuloy na pagsisikap na palakasin ang governance practices, isulong ang transparency at accountability, at protektahan ang interes ng kanilang stakeholders.
Ang tuluy-tuloy na pagtanggap ng Meralco ng Golden Arrow Award sa nakalipas na mga taon ay nagpapakita ng kanilang matibay na commitment sa responsableng pamamalakad ng negosyo.
Patuloy na itinataguyod ng distribution utility ang integridad, patas na pagtrato, at pananagutan kasabay ng pag-abot sa kanilang mga layunin sa negosyo at sustainability.
Ang mga prinsipyong ito ang nagsisilbing gabay sa kanilang operasyon at mga desisyon upang makalikha ng long-term value para sa kanilang shareholders, customer, empleyado, at iba pang stakeholders.
