IPINAGDIWANG ng Cathay Pacific ang kanilang ika-80 anibersaryo sa ginanap na milestone celebration sa Maynila Ballroom ng The Manila Hotel, bilang pag-alala sa walong dekada ng pagbibigay ng serbisyo at pag-uugnay ng mga biyahe sa buong mundo.
Tampok sa naturang kaganapan ang pagpapakita sa isang commemorative marker na nagpapatunay sa makasaysayang ugnayan ng airline sa The Manila Hotel. Dito kasi sa dating Tropicana Bar ng hotel naiulat na nabuo at nabigyang-ngalan ang Cathay Pacific noong taong 1946.
Pinaunlakan ang makasaysayang unveiling nina The Manila Hotel President Atty. Joey Lina at mga opisyal ng Cathay Pacific na sina Chief Customer & Commercial Officer Lavinia Lau, Director Customer Lifestyle Vivian Lo, Regional General Manager for Southeast Asia & Oceania Aldric Chau, at Country Head for the Philippines Vishnu Rajendran.
Dumalo rin sa nasabing selebrasyon si Minister Counselor Zhou Zhiyong, ang Deputy Chief of Mission ng Embassy of the People’s Republic of China sa Pilipinas.
