Pinalagan ni Senator Panfilo “Ping” Lacson ngayong Sabado, Agosto 22, 2026, ang mga lumalabas na ulat na humirit umano ng political asylum sa ibang bansa si Senator Loren Legarda kasabay ng paglilinaw na “fake news” lamang ang mga ito.
Sa isang panayam, ipinaliwanag ni Lacson na personal na tumawag sa kaniya si Legarda mula sa abroad upang ipaalam na mayroon itong karamdaman sa baga na nangangailangan ng agarang gamutan.
Iginiit din ng senador na wala pang anumang pormal na preliminary investigation laban kay Legarda ukol sa sinasabing kontrobersya sa solar projects upang magkaroon ito ng dahilan na magtago o humingi ng asylum.
Samantala, hindi rin maikaila ni Lacson ang kaniyang panghihinayang at kalungkutan sa biglaang pagpalit ng alyansa ni Legarda noong nakaraang Mayo 2026 Senate leadership coup, kung saan nabuwag ang itinuturing nilang “mythical five” sa ilalim ng pamumuno ni dating Senate President Vicente “Tito” Sotto III.
