Pormal nang pumasok at umupo si dating Health Undersecretary Beverly Lorraine Ho bilang bagong Acting President at Chief Executive Officer ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) upang ipagpatuloy ang pagpapalakas sa serbisyong pampubliko ng kawanihan.
Dala ni Ho ang kaniyang malawak na karanasan sa Universal Health Care (UHC) at public health systems, pati na ang kaniyang naging stint bilang Chief Medical Officer ng Ayala Healthcare Holdings.
Sa kaniyang pag-upo, nangako ang bagong opisyal na palalawakin ang mga access points, pagbubutihin ang benefit packages, at titiyaking nakatatanggap ng de-kalidad na pangangalaga ang bawat miyembro ng PhilHealth.
Inihayag din ni Ho na hindi niya babaguhin ang mga magagandang repormang nasimulan ni dating PhilHealth chief at ngayon ay Health Secretary Edwin Mercado.
Sa halip, ituon niya ang kaniyang buong pansin sa mas mabilis at mas epektibong pagpapatupad ng mga serbisyo upang agad itong maramdaman ng mga Pilipinong pinakakailangan ng tulong-medikal.
