Inamin ni dating Office of the Vice President (OVP) Special Disbursing Officer (SDO) Gina Acosta sa pagpapatuloy ng impeachment trial sa Senado ngayong Lunes, Agosto 17, 2026, na inilabas at ibinigay niya kay Col. Raymund Lachica ang P500 milyong confidential funds noong 2022 at 2023 sa mismong utos ni Vice President Sara Duterte.
Sa ginawang direct examination ni private prosecutor Amando Ligutan, iginiit ni Acosta na inatasan siya ng Vice President na pondo ang iabot kay Lachica dahil ito ang may pormal na kaalaman sa pagpapatupad ng mga confidential na programa ng tanggapan.
Kinumpirma rin ng dating SDO na bukod sa P125 milyon noong 2022, ibinigay din niya sa parehong dahilan ang P375 milyong pondo noong 2023.
Gayunpaman, nang ginisa ni Senate impeachment court presiding officer Francis Escudero, inamin ni Acosta na labag ito sa probisyon ng Joint Circular 2015-01 dahil ang SDO lamang at hindi ang isang security officer ang may legal na kapangyarihang mag-disburse at humawak ng confidential funds ng pamahalaan.
