November 23, 2024

ISRAEL, LUMIKHA NG RECHARGABLE FACE MASK

Bilang hakbang sa pag-iingat sa pandemya, nakagawa ang mga Israeli researchers sa Haifa Technion ng mask na maaring linisin at magamit muli gamit ang electrical current ng mobile phone charger.

Ang face mask na dinivelop ng Technion’s Faculty of Materials Science and Engineering (isa sa nangungunang scientific research universities sa Israel) ay sinisira ang pathogens; kabilang na rito ang Covid-19 gamit ang internal carbon fibre layer.

Sa pamamagitan nito, umiinit ang mask kapag naka-plug gamit ang charger at pinapatay nito ang mikrobyo at virus. Ligtas aniya itong gamitin uli dahil sa proseso kumpara sa disposable mask na peligroso rin sa kapaligiran.

Ani ng tagapagsalita ng Technion, na ang patent nito ay naka-filed sa United States at gumagawa na sila ng hakbang upang maging available ang mask sa merkado. Tinatayang nagkakahala ang self-cleaning mask ng isang dolyar.