MIAMI (AFP) – Bagama’t may iniindang ankle sprained, hindi ito naging hadlang sa performance ni Luka Doncic.
Kumana si Doncic ng game-winning three pointer sa overtime sa pagsipa ng Dallas Mavericks sa Los Angeles Clippers, 135-133.
Bumuslo ng 43 points, 17 boards at 13 assists ang Slovenian phenom sa panalo ng Dallas.
“This game was from another planet,” ani Mavericks coach Rick Carlisle patungkol kay Doncic.
Tinambakan ng Clippers ang Mavs sa 2nd quarter 21 points, 52-31. Ngunit, nakahabol sila sa Clippers sa 3rd quarter, 75-73.
Umabot pa sa 12 ang lamang ng Dallas.Ngunit, nakahabol uli ang Clippers at nakalamang pa sa 4rth. Umabot sa overtime ang laro, 121-121.
Naging bayani si Doncic sa pagbuslo ng tres mula sa 133-132 deficit. Kaya natapos ang laro sa OT sa 135-133.
“I can’t explain the emotions I had when I saw the ball go in,” ani Doncic.
“When I saw the whole team coming towards me that was one of the best feelings I have ever had as a player,” aniya.
Tumulong naman kay Luka si Trey Burke na nagtala ng 25 points, 5 boards at 1 assist.
Samantala, gumawa naman ng 36 points, 4 rebounds at 5 assists si Lou Williams sa Clippers. Nag-ambag naman si Kawhi Leonard ng 32 points, 9 boards at 4 assists.
More Stories
BAGONG TATAG NA TARLAC CHAPTER & GYM KAAGAPAY SI SIKARAN OFFICIAL MASTER CRISANTO
Women’s basketball pagigilasin ng MPBA
AFAD Defense and Sporting Arms Show ikinàsa na sa SMX Pasay, Sen. JV Ejercito at CSG Maj. Gen. Francisco dumalo