Habang nalulunod sa baha at perwisyo ang mga residente sa paligid ng Tullahan River tuwing umuulan… may mga pamilya naman palang nagtatampisaw sa bilyon-bilyong piso!
Isang matinding akusasyon ngayon ang umaalingawngaw sa Distrito 5 ng Quezon City. Sentro sa kontrobersya ang magkapatid na Alfred at Congressman PM Vargas, na idinadawit ngayon sa isang dambuhalang flood control at infrastructure scam.
Ayon sa ating galamay , may isang nakaupong Barangay Kapitan sa Novaliches na ginagawa umanong “dummy” o front ng magkapatid.
Ang kapitan na ito—na kilalang “minion” o tapat na tauhan ng mga Vargas—ang tumatayo umanong Project Manager ng isang kumpanyang tinatawag na Le Bron Construction. Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!
Paano ang modus?
Kasabwat ang isang kagawad sa Fairview, babayaran lang umano ng kapitan ang Le Bron Construction ng 5% royalty fee para magamit ang pangalan ng kumpanya.
Pagkatapos, gagawa sila ng mga substandard o tsapak na proyekto!
Bakit tinipid? Para masigurado ang 40% SOP o kickback na mapupunta raw sa proponent na si PM Vargas, habang 8% naman ang mapupunta sa DPWH. Araykupo!
Ayon sa ating mga galamay, kung susumahin raw ang 3.2 Billion pesos na allocable budget para sa mga kalsada at flood control sa District 5… malinaw na mahigit 1.2 Billion pesos ang pasok sa bulsa umano ng pamilya at ng kongresman! 1.2 Billion!
Ang tanong ng taumbayan, hanggang kailan magtitiis ang mga taga-Novaliches sa baha habang ang mga nasa pwesto ay lalong yumayaman dahil sa mga substandard na proyekto?
Bukas po ang ating hanay para sa opisyal na pahayag ng pamilya Vargas at ng Le Bron Construction.
***
Kung mayroon kayong sumbong, reklamo o anumang suhestiyon ay mag-text o tumawag lamang sa numerong CP#09999861197 o mag-email sa apajaronjr@gmail.com
