Todo-kayod na ang mga flower arranger sa Cubao ngayong Biyernes, Mayo 8, 2026, para sa paghahanda ng mga naggagandahang floral arrangement at makukulay na lobo para sa nalalapit na pagdiriwang ng Mother’s Day.
Inaasahang lalo pang dadagsa ang mga mamimili at tataas ang demand sa mga bulaklak ngayong darating na weekend habang naghahanda ang mga pamilya para bigyang-pugay ang mga ina.
Dahil sa inaasahang dagsa ng mga order, maagang nag-imbentaryo at nagdisenyo ang mga tindero upang masigurong sapat ang suplay ng mga sariwang bulaklak gaya ng rosas, carnation, at tulips na madalas iregalo sa ganitong okasyon.
Bukod sa mga tradisyunal na bouquet, patok din sa mga mamimili ang mga customized arrangements na may kasamang mga lobo at mensahe para sa mga “Super Mom.”
Pinapayuhan naman ang mga mamimili na mag-order nang mas maaga upang makaiwas sa huling hirit na pagtaas ng presyo at mahabang pila sa mga tindahan ng bulaklak sa Cubao habang papalapit ang Linggo.
