Kalahati ng mga Pilipino ang nagsabing sumama ang kalidad ng kanilang pamumuhay sa nakalipas na 12 buwan, ayon sa pinakabagong survey ng Social Weather Stations (SWS) na inilabas nitong Miyerkules.
Batay sa pag-aaral na isinagawa mula Marso 24 hanggang Marso 31 ngayong 2026, lumabas na 50 porsyento ng mga respondent ang itinuturing na “losers” o mga nagsabing lumala ang kanilang buhay kumpara sa nakalipas na taon.
Samantala, 23 porsyento lamang ang tinatawag na “gainers” o nagsabing bumuti ang kanilang lagay, at 26 porsyento naman ang nagsabing nanatili itong walang pagbabago.
Dahil dito, nakapagtala ang bansa ng net gainers score na -26, na klasipikado ng SWS sa ilalim ng gradong “low.” Ang markang ito ay itinuturing na pinakamababang puntos na naitala sa loob ng mahigit apat na taon, partikular na mula noong Setyembre 2021 kung kailan nakapagtala ng “extremely low” na -44 sa gitna ng epekto ng pandemya.
Kapansin-pansin ang mabilis na pagdausdos ng sentimyento ng publiko dahil ang -26 na score ngayong Marso ay mas mababa ng 19 na puntos kumpara sa -7 o “fair” na rating noong Nobyembre 2025.
Pagdating sa usapin ng lokasyon, ang Mindanao at Metro Manila ang nakapagtala ng pinakamababang net gainers score na parehong nasa -31 o kategoryang “very low.” Sinundan ito ng Visayas na may markang -25 at mga lugar sa Luzon sa labas ng Metro Manila na may markang -23, na parehong nasa kategoryang “low.”
Ang pagdausdos na ito ay malayo sa naitalang +12 o “very fair” noong Hunyo 2025 at -2 noong Setyembre ng parehong taon.
Ang survey ay ginamit ang pamamaraang face-to-face interviews sa 1,500 na mga Pilipinong nasa sapat na gulang sa buong bansa.
Ang survey ay ginamit ang pamamaraang face-to-face interviews sa 1,500 na mga Pilipinong nasa sapat na gulang sa buong bansa. Mayroon itong sampling error margin na
Ginamit sa nasabing survey ang face-to-face interviews sa 1,500 adult sa buong Pilipinas. Mayroon itong sampling error margin na plus-or-minus 3 percent para sa national percentages, plus-or-minus 4 percent para sa Luzon sa labas ng Metro Manila, at plus-or-minus 6 percent bawat isa para sa Metro Manila, Visayas at Mindanao.
