Maagang pakikibaka ang bumungad sa mga commuter malapit sa Pasig Mega Market ngayong Miyerkules, Marso 25, 2026.
Nagkagulo ang mga pasahero sa pag-uunahan sa pagsakay dahil sa matinding kakulangan ng mga pampublikong jeepney sa kalsada.
Ang krisis na ito sa transportasyon ay bunsod ng sunod-sunod na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo, na nagpilit sa maraming drayber at operator na limitahan ang kanilang biyahe o tuluyang tumigil muna dahil sa lugi.
Dahil sa limitadong sasakyan, mapapansin ang mga “scramble” o pag-aagawan sa bawat jeep na dumarating, habang ang iba ay napipilitang maglakad o maghanap ng alternatibong masasakyan na mas mahal ang pasahe.
