November 24, 2024

PIOLO AT KC, NAGKABALIKAN NA BILANG MAG-SWEETHEART?

TOTOO kayang nagkabalikan na sina Piolo Pascual at KC Concepcion? Sila na uli ang mag-syota? Ang chika kasi, sinopresa raw ni KC si Piolo. Dinalaw daw niya ang actor sa Batangas, habang siya naman ay naka-bakasyon sa kanyang farm sa iisang lugar.

Doon na muling nagkita ang kanilang landa, na nauwi na nga sa kanilang pagbabalikan. Ibang closeness at sweetness ang mga naglabasan sa Instagram dahil sa mga post ni KC ay kitang-kita ang kakaibang saya nito sa piling ni Papa P.

Paano na raw iyong singer na napabalitang boyfriend niya na kaibigan din niya? Wala na nga ba sila? Mainam na iyon, dahil mas pabor naman ang mga magulang ni KC kay Piolo Pascual.

Pero ang mga bashers ni Papa P., hayan at ibinabalik na naman ang isyu tungkol sa kanyang gender at muling binubuhay. Sana hayaan na natin, para sumaya naman sina KC at Piolo sa kanilang pag-iibigan at sana ay totoo na ito.