November 23, 2024

Serye, naitabla sa 1-1, Denver Nuggets, pinapak ng Utah Jazz


 Kim Klement/Pool Photo via AP

Bunsod ng pagpupunyaging maka-resbak sa Denver Nuggets, tinupad ni Donovan Mitchell ang kanyang pangakong babawi.

Sinisi kasi ni Mitchell ang sarili sa pagkatalo ng Jazz sa Game 1. Dahil dito nakamit niya ang sweet reversal para sa Utah.

“At the end of the day, this is one game,” ani Mitchell.

“We did our job. We’ve got to get three more.”

Bumuslo  ng 30 points si Mitchell sa pagpapak ng Utah Jazz sa Nuggets, 124-105 sa Game 2 ng NBA playoffs. Kaya naman, tie na sa series ang Jazz at Nuggets 1-1 sa kanilang duwelo sa Western Conference.

Tumulong naman si Fil-Am Jordan Clarkson sa pag-ambag ng playoff best na 26 puntos. Malaking tulong sa Jazz ang di sintunadong ritmo sa pagsalpak ng 20 three-pointers.

Samantala, gumawa naman ng 28 puntos si Michael Porter Jr. sa Nuggets. Nag-ambag naman ng 28 at 11 boards si Nikolai Jokic.

Nakontrol ng Jazz ang scoring sa second quarter sa pagtarak ng 2-9 run. Kaya, abanse sila sa Nuggets, 61-48 sa halftime.

Nang makita ni Denver coach Mike Malone na imposible nang makahabol sa Jazz, binaklas niya ang kanyang mga starters na sina Murray at Jokic.

Muling magtutuos ang dalawa sa Game 3 sa Sabado.

Narito ang buong stats ng Jazz-Nuggets game

UTA:Donovan Mitchell: 30 Pts. 1 Rebs. 8 Asts. 1 Stls. Jordan Clarkson: 26 Pts. 4 Rebs. 3 Asts. 1 Stls. Rudy Gobert: 19 Pts. 7 Rebs. 3 Asts. 2 Blks. Joe Ingles: 18 Pts. 2 Rebs. 6 Asts.

DEN:Nikola Jokic: 28 Pts. 11 Rebs. 6 Asts. Michael Porter Jr.: 28 Pts. 6 Rebs. 1 Blks. Jamal Murray: 14 Pts. 3 Rebs. 4 Asts.