KULUNGAN ang kinasadlakan ng isang hinihinalang tulak ng illegal na droga nang maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation ng pulisya sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.
Ayon kay Valenzuela Police Station Drug Enforcement Unit (SDEU) chief P/Lt. Sherwin Dascil, nakatanggap sila ng reklamo hinggil sa umano’y illegal drug activities ni alyas “Wendel”, 42, ng Brgy. Pasolo ng lungsod.
Nang magawang makipagtransaksyon kay alyas Wendel ng isa sa mga operatiba ng SDEU, kaagad bumuo ng team si Lt. Dascil bago ikinasa ang buy bust operation sa koordinasyon sa PDEA.
Hindi na nakapalag ang suspek nang dambahin ng mga operatiba ng SDEU makaraang bintahan ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer dakong alas-11:50 ng gabi sa Tagalag Rd., Brgy. Tagalag.
Nakumpiska nila sa suspek ang humigi’t kumulang 5 grams ng hinihinalang shabu na may standard drug price na P34,000, buy bust money na isang tunay na P500 bill at isang P1,000 boodle money at P100 cash.
Nakatakdang sampahan ng pulisya ang suspek ng kasong paglabag sa Sections 5 at 11 ng RA 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 sa pamamagitan ng inquest proceedings sa Valenzuela City Prosecutor’s Office. (JUVY LUCERO)
