TULUYAN nang naghain ng kasong perjury si Marikina City 1st District Representative Marcy Teodoro laban sa dalawang babaeng pulis na umano’y nagsinungaling para siraan ang kanyang pangalan.
Kahapon nang magtungo sa Manila Prosecutor’s Office si Teodoro para ihain ang reklamo laban sa dalawang miyembro ng Philippine National Police (PNP) na dati umanong nag-akusa sa naturang kongresista ng pang-aabusong sekswal.
Ayon sa legal counsel niyang si Atty. Alma Mallonga ng Siguion Reyna Montecillo & Ongsiako Law Offices, malinaw na imbento at walang basehan ang mga akusasyon laban kay Teodoro.
“Congressman Marcy Teodoro filed today complaints for perjury against his accusers—two policewomen—who had earlier falsely claimed he had committed various acts of sexual abuse against them,” ani Mallonga.
“The complainants admit they have no evidence. Many witnesses have also testified that Cong. Marcy was never alone with them.”
Dagdag pa ng abogada, lumalabas na ang mga nagsakdal mismo ay nagpatuloy sa kanilang trabaho matapos umano ang sinasabing insidente at walang anumang palatandaan ng pang-aabuso.
“They continued to report for work, happily interacting with their co-workers even on the very same days they claim to have been abused,” sabi pa ni Mallonga.
Binigyang-diin ng kampo ni Teodoro na walang naganap na panggagahasa, at ang mga reklamo ay isinampa lamang upang dungisan ang reputasyon ng kongresista.
“As complainants themselves admit, no force or intimidation was employed upon them. They were not threatened, they were not harmed. Cong. Marcy had no weapons—while the complainants, being police officers, always carried their service firearms,” paliwanag ni Mallonga.
“In addition, the person found guilty of perjury may be made liable to pay a fine of up to P1 million and may be perpetually disqualified from holding any appointive or elective position in government or in any of its agencies, entities, or instrumentalities,” dagdag pa niya.
Sa panig naman ni Teodoro, kumpiyansa siyang ibabasura ng korte ang mga walang basehang kaso laban sa kanya, ngunit iginiit niyang dapat managot ang mga nagsinungaling sa ilalim ng panunumpa.
“Matatag ang loob kong makakamit ko ang hustisya at mababasura ang mga imbentong reklamong ito. Pero kailangan managot ang mga nagsisinungalin,” pahayag ng kongresista.
“The justice system should never be used as a weapon by those with malicious intent to destroy the innocent,” dagdag pa niya.
Naniniwala rin si Teodoro na may halong pulitika ang mga paratang laban sa kanya.
“Tigilan na ang maduming politika. It’s heartbreaking that we’ve come to a point where ambition prevails over truth and decency,” aniya.
“Some people no longer fear God—only losing power,” dagdag pa ng kongresista. (ARNOLD PAJARON JR)
