MULING nagpositibo sa COVID-19 si Department of Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año.
Ayon sa opisyal, sumalang siya sa PCR test nitong Biyernes at lumabas ang resulta nitong Sabado.
Nakaramdam siya ng flu-like symptoms, kabilang ang pamamaga ng lalamunan at pananakit ng katawan noong Agosto 13.
“I began my self-quarantine and got myself PCR tested on Aug. 14,’’ wika ni Año.
Patuloy na minomonitor ng mga doktor si Año habang naka-isolate.
Aniya, ginawa niya ang anunsiyo para ipaalam sa lahat ng kaniyang nakasalamuha na sumailalim din sa self-quarantine, bantayan kung makakaranas ng sintomas at sundin ang DOH guidelines.
“I make this announcement to call the attention of all persons I had close contact with to go on self-quarantine, observe any symptoms in accordance with DOH guidelines, and take appropriate action,’’ dagdag pa niyang sambit.
More Stories
AYUDA HINDI NAGAGAMIT SA POLITIKA – DSWD CHIEF
VP SARA IPATUTUMBA MGA MARCOS (PSC nakaalerto)
INA, ANAK NA MAY KAPANSANAN PINAGPAPALO SA ULO NG DRUG ADDICT, PATAY