Walang kasing saya ang San Miguel Oktoberfest, at ngayong taon ay mas engrande ang selebrasyon sa Okada Manila.
Bilang bahagi ng ika-135 anibersaryo nito, muling ibinabalik ng San Miguel Brewery Inc. (SMB) ang makulay na fiesta vibes na nagpasikat sa Oktoberfest bilang pinakamalaking beer celebration sa bansa.
Gaganapin sa Crystal Pavilion ng Okada Manila sa darating na Setyembre 20 at 21, 2025 kung saan tampok ang dalawang gabing puno ng musika, pagkain, at beer mula sa global portfolio ng San Miguel.
Kasama rito ang libreng beer samplers at pagkakataon para matikman ang mga bagong brew ng SMB, na ipapareha sa culinary creations mula sa Las Flores, Café Fleur by Chef Sau, Purefoods Deli at iba pang pop-up restos.
Magsasama-sama rin ang mga sikat na banda at performers kabilang sina Rico Blanco, Lola Amour, December Avenue, Arthur Nery, Brownman Revival, The Dawn, Autotelic, The Juans at marami pang iba, upang magbigay ng non-stop entertainment para sa mga revelers.
Hindi lang musika ang hatid ng selebrasyon dahil darating din ang mga PBA All-Filipino Cup champions San Miguel Beermen para maki-basketball sa mga partygoers, habang magpapakita ng galing sa exhibition match ang billiards legends na sina Efren “Bata” Reyes at Francisco “Django” Bustamante.
Bukod dito, maaaring makabili ng limited-edition San Miguel Oktoberfest merchandise, perfect bilang souvenir at tanda ng pagdiriwang.
Mula pa noong 2005, kinikilala ng Department of Tourism ang San Miguel Oktoberfest bilang pinakamalaking fiesta sa bansa. Kaya’t inaasahan ang dagsa ng mga tao sa engrandeng kickoff sa Okada Manila.
Para sa tickets, bisitahin ang Ticket2Me.net. (ARNOLD PAJARON JR)
