November 23, 2024

Mga netizens, nanghinayang sa pinagsisirang electronic gadgets ng BuCor sa bilibid

Mga Cabalen, ang dati sanang projected sked ng pasukan ngayong school year 2020-2021 sa Agosto 24 ay inilipat ng Oktubre 5.

Sa ganang akin, ok lang na ilipat para makapaghanda pa ang kinauukulan. Gayundin ang mga magulang at mga estudyante.

Batid nating online na ang siste ng pag-aaral ng mga estudyante. Kaya, mahalaga ang laptop, desktop na gagamitin sa online study. Gayunman, ang tanong natin diyan, papaano ang di afford ang pambili ng mga nasabing gadgets?

Wala na ngang computer, wala ring pang-internet.

Kaugnay dito, libo-libong electronics gadgets ang sinira ng Bureau of Corrections (BuCor). Sinira ang mga nakumpiskang gadget sa National Bilibid Prison(NBP).

Mahigit sa 3,817 cellphones, 101 units ng pocket wifi at 1,724 chargers ang nakumpiska. Bukod pa rito ang laptops at tablets, Bluetooth speaker, DVD players at mobile signal amplifier.

Ginagamit kasi ang mga gadgets sa kalokohan at katiwalian sa loob ng piitan. Kaya, malaki ang panghihinayang ng mga netizens sa mga winasak na gadgets sa bilibid.

Anila, dapay ibinigay na lang daw sa mga pupils at mga public schools. Kaya lang, marami rin ang kokontra.

Kasi, walang nakatitiyak kung ano ang naka-download sa mga gadgets na ito. Para sa iba, hindi magandang tingnan na ang ibibigay ay may bahid na ng kalokohan.

Pagkatapos, yun ang ipagagamit natin sa mga mag-aaral? Kayo mga Cabalen, payag ba kayo na gayun ang ibigay kung sakali sa inyo at sa inyong mga anak?