
Opisyal nang inilunsad ang ika-21 season ng Cinemalaya Philippine Independent Film Festival na magtatampok ng 10 short films at 10 full-length films na pawang pasok sa kompetisyon.
Ginawa ang press launch sa East Wing ng EDSA Shangri-La Mall kung saan agad na umingay ang ilang crowd favorites.
Kabilang dito ang “Warla” na pelikulang tampok ang all-transpinay cast sa direksyon ni Kevin Alhambra; “Padamlagan” na isang regional film mula Bicol, sa direksyon ni Jenn Romano, tampok si rock icon Ely Buendia bilang bida; at “Open Endings” na pelikula nina Nigel Santos at Keavy Vicente tungkol sa dalawang babaeng magkaibigan at dating magkasintahan.
Gaganapin ang Cinemalaya 2025 mula Oktubre 3 hanggang 12 sa Red Carpet Cinemas ng Shangri-La Mall, Mandaluyong.
